Monday, 25 July 2011

House Bill 1799

Diborsyo

isang pangungusap na napaka lalim ang kahulugan, ito ang karaniwang pangyayari sa mag asawa na hindi magka sundo at gusto na mag kanya kanyang buhay, ang karaniwang dahilan ng diborsyo ay  pananakit ng lalaki sa babae, o kaya naman pangangaliwa ni mister dahil sa hindi mabigay ng kanyang misis ang pangangailangang sekswal ng kanyang asawa, kaya nga minsang sinasabi ng mag asawa ay "Ayaw ko na, hindi tayo magkasundo, maghiwa;ay na tayo" iyan ang mga karaniwang katagang sinasambit ng mag asawang nag aaway at sa huli ay mapupunta din sa Diborsyo.


Sa paghihiwalay ng mag asawa ay ang nadadamay ay ang mga anak, napakasakit sa isang anak na makita ang kanyang mga magulang na nagaaway, ang mga anak na nadadamay sa paghihiwalay ng mga magulan ay karaniwang pinapapili kung kanino niya gustong sumama, ngunit kung kagustuhan lang pagpipiliin ay mas gusto ng isang anak na buo ang kaniyang pamilya. Ayon sa mga komento sa internet marami ang pabor sa RH bill tulad na din ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kahirapan, ito ang komento niya na galing sa ABANTE Tabloid online "Isa po ako sa taga subaybay niyo sa Abante Middle East Edition sa Kaya Natin. Kasalukuyan po akong narito sa Saudi, mag 7 years na po ako dito. Ang akin naman komento, dapat lang na ituloy na nila ang RH Bill kasi sobra na ang tao sa Pi­lipinas at ang hirap ng buhay ngayon. Lahat ng bilihin ngayon ay tumaas na, kaya ako po ay may dalawa lang na anak na puro lalaki kasi po natakot ako kaya gumagamit ako ng pills noon. Kasi po ang dami naming magkapatid 13 kaming lahat tapos maagang namatay ang tatay ko kaya hirap talaga ang buhay namin noon kaya sabi ko sa sarili ko kapag ako ay nagkapamilya konti lang ang gusto kong anak para hindi nila maranasan ang naranasan ko nu’ng ako ay bata pa.:" ito ang isa sa komento ng pabor sa RH bill.



House bill 1799 o mas kilalang Divorce Bill, ito ay isinusulong para sa mag asawang hindi magkasundo, ito ay pinagtatalunan kung isasabatas ba ito o hindi, madami ang kumokontra sa divorce bill lalo na ang simbahang katoliko, ang basehan ng pananampalataya ng mga kristiano ay ang bibliya, pero sa karaniwang pilipino na nakararanas ng pang aabuso sa asawa ay hinahangad na ma isabatas ang divorce bill, sabi ng mga nagpapanukala nitong batas ay nahuhuli na tayo sa ibang bansa, maliban kasi sa Roma ay pilipinas nlang ang hindi legal ang diborsyo. pero para sa akin dapat ibasura ang Divorce Bill dahil ang pag aasawa, ay hindi tulad ng kanin na pag isinubo at kapag napaso ay iluluwa, at nakasulat sa biblia na pakisamahan mo ang iyong asawa at nakasulat din sa Malakias 2:16 new Pilipino Version Bible na "namumuhi ang Dios sa Diborsyo".